
TUMAGAL lamang ng 26 na minuto ang naging pagbubukas ng second regular session ng 18th Congress para sa panig ng Senado.
Umaabot sa 17 senador ang physically present, habang anim ang tumutok lamang sa pamamagitan ng video conference.
Sa kabuuan, 23 ang sumali sa pagbubukas ng sesyon.
Ang bubuo naman ng grupong personal na magtutungo sa Batasan ay kinabibilangan nina Senate President Vicente Sotto III, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Sens. Bong Revilla, Pia Cayetano, Sherwin Gatchalian, Ronald Dela Rosa, Francis Tolentino at Christopher Go.
Nangako naman si Sotto na agad na aaksyunan ang COVID response bills sa pagbubukas ng regular na sesyon.
More Stories
Pinay Lawyer, Pasok sa Top 200 World Rankings sa Padel
QC Todo na sa Kalikasan! Fashion Show, Tree Giveaway at Plastic Ban, Tampok sa Earth Day 2025
REBELDE NA NANUNOG NG SIMBAHAN SA ILIGAN, ARETADO SA BUKIDNON