Hindi pagsidlan ng tuwa si Filipino boxing icon Sen. Manny Pacquiao nang mabigyan ng oportunidad na magawan ng wax figure.
Ang sariling wax figure niya ay nakalagak sa sikat na Madame Tussauds sa Hong Kong. Masaya naman siyang pinuntahan ito.
Noong nakaraang taon, binbisita ng crew ng sikat na wax museum si Pacman. Kung saan, kinuhanan siya ng litrato at measurement sessions. Ito ang ginamit sa paghulma ng kanyang wax figure.
“Masayang masaya ako dahil napili ako na first male Filipino wax figure,” sabi ni Pacquiao sa video in-shared ng Madame Tussauds Hong Kong.
“Kaya nag-oo agad ako grinab ko yung opportunity.”
Sa isang interview ni Bobo Yu, marketing head of Madame Tussauds Hong Kong, sinabi ni Pacquiao na umaasa siyang makaka-inspired ang kanyang wax figure sa iba. Lalo na ang kanyang narating bilang pagbibigay ng pag-asa.
Mula sa payak na pagiging aspiring boxer, ang 41-anyos ay naging ‘Fighting Pride of the Philippines’. Naging isa sa legends sa sports at naging eight weight division champion.
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE