Lalabanan ni Sen. Manny Pacquiao si Terrence Crawford sa isang kondisyon. Nais ng eight-division champion ang malaking purse.
Batay sa ulat, humihingi ng $40-million asking price ang fighting senator sa dating promoter na si Bob Arum. Si Arum ang may hawak kay Crawford at nais nitong ibigay ang gayung halaga.
Matuloy lamang ang laban ng kanyang alaga at ni Pacquiao. Dahil tiyak naming mababawi nito ang ilalabas na pera.
Gayunman, handa naman si Pacman na bumalik sa lona. Kahit sino pa ang makalaban nito. Katunayan, magbabalik training na siya sa General Santos City, ang kanyang hometown.
May sariling Wild Card gym ang Pople’s Champ sa naturang lalawigan.
“It’s better that he trains here instead of Manila,” saad ng isang trusted aide.
“In Gen. Santos, there are less distractions.”
Kung matutuloy ang laban kay Crawford, maaaring ito na ang final bout sa Filipino ring icon. At ito ang ibig na mangyari ni Arum.Si Crawford ang current WBO welterweight champ. Kinukonsidera itong baddest dog sa nasabing pound.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo