Nais ni MP Promotions President Sean Gibbons na makita si WBA welterweight champion Sen. Manny Pacquiao na lumaban sa isang exhibition match.
Ayon kay Gibbons, ang match ay alok sa promosyon mula sa Macau. Gayunman, hindi niya alam kung pasok ito sa iskedyul ni Pacman ngayong taon.
“Any opportunity that the Senator has to box in during this pandemic is great for him to stay sharp,” ani Gibbons sa isang pahayagan.
Sinabi ng sourcena isang unnamed group sa Macau ang nag-alok ng deal para lumaban si Pacquiao sa exhibition match.
Ayon sa grupo, hindi sila konektado sa Macau government. Titingnan nila kung may bakante pa sa iskedyul nito ngayong 2020.
Kamakailan, lumagda ng kontrata si Pacman upang humarap sa isang Japanese pug. Ang laban nila ang idaraos sa Papua New Guinea via three-round exhibition match.
“Manny Pacquiao already agreed and signed that contract last February. He was supposed to be paid $6 million for the exhibition match,” ayon sa source.
Kaugnay dito, sinabi ni Gibbon na laging nagpapakondisyon si Pacquiao. Handa aniya itong idepensa ang WBA belt anumang petsa ngayong taon.
“He is staying prepared for a return to fighting the biggest names in the world in defense of his WBA title,” aniya.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo