Wala sa listahan ng pound-or-pound list ng Ring Magazine si Fighting Senator Manny Pacquiao. Marahil, ang di niya paglaban sa loob ng 1 taon at 8 buwan ang dahilan.
Isa rin ang pag-alis sa kanya ng WBA super-welterweight title belt na nakuha nito kay Keith Thurman.
Batay sa ranking ngayong buwan ng Marso, si super middleweight pug Saul Alvarez (57-1-2, 37KO’s) ang una sa rankings.
Sinundan siya ni Japanese bantamweight boxer Naoya Inoue (20-0-0, 17KO’s). Pangatlo naman si welterweight champ Terrence Crawford (37-0-0, 28KO’s).
Sinundan ito (4) ni heavyweight boxer Alexander Usyk ng Ukraine (18-0-0, 13KO’s). Ikalima si Errol Spence Jr, Tyson Fury (6), Gennady Golovkin (7), Teofimo Lopez (8), Juan Francisco Estrada (9) at Kazuto Ioka ng Japan.
Pero, pangatlo si Sen. Pacquiao sa rankings ng welterweight division (147lbs/66/7kg). Una rito si Spence at ikalawa si Crawford.
Panga-apat naman si Keith Thurman na sinundan ni Shawn Porter(31-3-1,17KO’s).
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!
Football Festival Exhibition Game, idinaos sa loob ng New Bilibid Prison