Maging si Senator Manny Pacquiao ay nagdamdam sa sinapit ni Cristine Dacera. Si Dacera ay isang flight attendant na nasawi noong New Year sa Makati hotel.
Ito ay napaulat na biktima ng rape-slay. Kung saan sangkot ang 11 kalalakihan. Kaya naman, tinuran niya na magbibigay siya ng reward sa makatutulong sa pagdakip sa mga salarin.
“Ako at ang aking pamilya ay taus-pusong nakikiramay sa pamilya at mga mahal sa buhay ng ating kababayang si Christine Dacera.”
“ Walang salita na makakapagpaliwanag sa lungkot ng isang ina na nawalan ng anak,” madamdamin niyang pahayag.
Turan pa ng fighting senator, nakausap niya ang ina ni Dacera nang ito’y magtungo sa kanilanbg bahay sa GenSan.
“Hindi lamang katarungan ang ating hinihingi para sa pamilya Dacera. Nais din natin na magkaroon ng kaliwanagan ang nakaparaming katanungan tungkol sa kasong ito,”
“Handa tayong magbigay ng P500,000 na pabuya sa sinumang makakapagturo sa suspek at makakapagbigay-linaw sa kasong ito,” dagdag niya.
Dahil sa nangyari, iginiit ni Pacquiao na dapat maibalik ang parusang kamatayan. Sa gayun ay maampat ang paggawa ng mga kalunod-lunos na krimen.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo