December 24, 2024

SEN. MANNY PACQUIAO, NAG-A-ADJUST NG ROUTINE VIA US TIME ZONE SA KANYANG TRAINING

Nais ni Sen. Manny Pacquiao na magfocus sa kanyang August 21 clash laban kay Errol Spence Jr. Aniya, susubukan niyang talunin ang unified WBC at IB welterweight champion.

Pero, wala pa siyang ibinigay na mga details kung papaano iyon gagawin.

It’s hard to say right now,” ani ng 42-anyos na boxer sa Radyo5’s Power and Play. Na isang programa ni former PBA Commissioner Noli Eala.

It could be, or there’s more after this. But one at a time lang muna tayo ngayon. Hindi natin masasabi. Pwedeng ito, pwedeng meron pa.”

Kaugnay dito, nakatakdang lumipad si Pacquiao sa US sa July 3. Pero sa ngayon, itinataas niya ang training level at higher gear.

Katunayan, nagsimula na siyang mag-adjust ng routine via US time zone. Sa gayun ay di mabigla ang katawan niya kapag dumating na roon.
.
Sa ngayon, ang training ko, naga-adjust na ako. Actually paggising ko kaninang mga 9 o’clock — 9 o’clock ng gabi ako gumising tapos nag-jogging ako. 9 o’clock, 6 0’clock sa US.”

So nag-jogging ako kanina, and then after jogging kain ako, tapos mamayang alas singko, alas-sais, punta ako sa gym magte-training din. So, naga-adjust na ako rito para pagdating ko sa Amerika, hindi na ako mahihirapan,” aniya.