September 20, 2024

SEN. MANNY PACQUIAO, IDI-DEMANDA SI PASTOR APOLLO C. QUIBULOY

Kakasuhan ni Sen. Manny Pacquiao si ‘Appointed Son of God’ na si Pastor Apollo C. Quibuloy. Siniraang-puri kasi  umano ng pastor ang Fighting Senator kaugnay sa tsismis.

Ayon kay Quibuloy, lider ng relihiyong Kingdom of Jesus Christ, overprized ang P3.5 bilyong Sarangani Sports Complex. Isa pa, hindi ito napakinabangan ng mga taga-Sarangani.

Pumalag dito ang Pambansang Kamao at mali ang impormasyong ipinagkakalat ng pastor. Katuwiran ni Pacquiao, nasa P300- P500 milyon lamang ang halaga ng proyekto ng sports complex.

Ito si Quiboloy po… gumagawa ng issue na di niya alam. Dapat di siya nakikialam sa gobyerno. Magpokus na lang po siya para doon sa pag-evangelize sa kanyang mga disipulong naniniwala sa kanya,”  ani Pacquiao.

“Magfa-file po ako ng case against him… Hindi lang po siguro isang kaso, but we will announce po kapag labas ko rito sa quarantine [facility]. I-formal announce po namin ‘yan. Ako mismo ang magfa-file ng case against him,” dagdag pa nito

Isa pa, noong taong 1996 pa raw itinayo ang nasabing infrastracture. Kaya, labas na sa sinasabing nag-1-2-3 si Pacman. Dahil taong 2010-2016 naging mambabatas ng Saranggani si Pacquiao.