
Desidido na si Sen. Manny Pacquiao sa kanyang boxing comeback ngayong taon. Katunayan, hinamon ng 43-anyos na Fighting Senator si Floyd Mayweather Jr. Ikakasa ang rematch ng dalawa via exhibition bout.
‘Let’s Go,’ ani ng manager ni Pacman na si Sean Gibbons sa Planet Sports. Layun pa ng 8 division world boxing champion na makabawi kay ‘The Money’.
“[I] would love to see it but Mayweather wants none of this smoke due to his ego.’
“Senator Pacquiao would love an exhibition, if he was to return it would be this year – but that is a big if,” aniya.
May posibilidad na mangyari ito dahil hangad din ni Mayweather na lumaban via exhibition bout. Kung papaya ang undefeated American pug, maaaring sa Dubai gawin ang laban.
Huling lumaban si Floyd noong Mayo sa Abu Dhabi. Kung saan, nanalo siya kay undefeated pug Don Moore.
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon