December 24, 2024

SEN. LITO LAPID, ‘ADOPTED SON’ NG TUMAUINI, ISABELA

IPRINOKLAMA si Supremo Senador Lito Lapid bilang ‘adopted son’ ng bayan ng Tumauini, Isabela nitong Huwebes, Feb. 24.

Ito’y bilang pasalamat ng munisipyo ng Tumauini kay Sen. Lapid  dahil sa malaking kontribusyon n’ya sa pag-unlad at pag-develop ng bayan sa mga proyektong inilaan ng Senador.

Sinabi ni Mayor Venus Bautista na kabilang sa mga proyektong natapos na sa tulong ni Lapid ay ilang kilometrong farm to market roads at concreting ng mga Barangay road.

Kabilang din sa proyektong pinondohan ni Senador Lapid ang Rodolfo B. Albano Astrodome at bagong Legislative Building sa bayan ng Tumauini.

Kasama ni Supremo sina Mayor Bautista at dating Mayor Arnold Bautista sa inauguration at blessings, na dinaluhan din ng mga Konsehal at mga opisyal mula sa 46 na Barangay.

Nagkakahalaga ang airconditioned Astrodome ng P225-M na galing sa kontribusyon mula kina Sen. Lapid, Sen. JV Ejercito at dating Senate President Tito Sotto III, Cong. Tonypet Albano, Gov. Rodito Albano at P60-M mula sa LGU.