February 26, 2025

SEN. LAPID NAGSAGAWA NG MOTORCADE SA BACOLOD CITY AT NEGROS OCCIDENTAL

KAHIT bumubuhos ang malakas na ulan, hindi nagpatinag si Senador Lito Lapid, ang Supremo ng Senado sa kanyang sariling motorcade sa Bacolod City at ilang bayan sa  Negros Occidental nitong Sabado ng umaga hanggang hapon.

Nilibot ni Lapid ang Libertad public market, Central public market at  Burgos public market sa Bacolod City.

Bukod sa Bacolod City, nagmotorcade din si Lapid sa mga palengke ng  Talisay, Silay, Victorias at Cadiz City, Negros Occidental.

Sinuyod din ni Lapid ang Bago City, Valladolid, San Enrique, La Carlota City at Murcia nitong Linggo.

Naging mainit naman ang pagsalubong ng mga Negrenses  kay Lapid sa gitna ng maulang panahon.

Nauna rito, dumalo si Lapid sa isinagawang campaign rally ng Alyansa ng Bagong Pilipinas sa pangunguna ni Pang. Bongbong Marcos, Jr. sa Victorias, Negros Occidental nitong Ferbruary 21 ng hapon.

Si Lapid ay reelectionist Senator na #35 sa balota at kandidato ng Alyansa ng Bagong Pilipinas.

Sa kasalukuyan, si Lapid ay chairman ng Senate committee on tourism na nangakong palalaguin at palalawakin pa ang mga programa ng gobyerno sa promosyon ng turismo sa buong Pilipinas.

Si Lapid ay dating Vice-Governor, tatlong terminong Governor at tatlong terminong Senador.