Nakikinig si Senator Manuel ‘Lito’ Lapid habang nagtatanong ang kanyang mga kasamahang senador kay Health Secretary Francisco Doque at ibang mga resource person ng Philippine Health Insurance Corporation(Philhealth) tungkol sa maanomalyang pondo ng ahensiya sa ikatlong pagdinig ng Committee of the Whole. (DANNY ECITO)
NAGHAIN ng batas si Senator Manuel “Lito” Lapid na naglalayong lumikha ng isang online legal databases na naglalaman ng 1987 Constitution, batas at regulasyon sa Pilipinas.
Sa ilalim ng kanyang Senate Bill No. 1751 ay itatatag ang National Legal Knowledge and Assistance System.
Ang pinaplanong online repository ay maglalaman ng mga importanteng treaties at international conventions kung saan kabahagi ang Pilipinas, mga common forms and pleadings at mga legal concepts at terminologies na magkakaroon ng maikling paliwanag sa wika at diyalektong maiintindihan ng mga Pilipino saan mang panig ng bansa o mundo.
Sa pahayag, sinabi ni Lapid na inaatasan ng panukala ang Department of Justice (DOJ), in coordination with the Department of Information and Communications Technology (DICT) na matayo at magmentina ng sistema na maaaring tingnan ninoman sa buong bansa.
“Sabi nga nila, hirap ang taong walang alam sa batas. Kaya para masiguro nating maibibigay ang karapatan ng bawat Pilipino na magkaroon ng sapat na kaalaman kaugnay sa mga batas at iba pang alituntunin na pinaiiral sa ating bansa, dapat na may bukas na panggagalingan ang mga datos na ito. Gamit ng Information and Communications Technology o ICT, maaabot ang lahat ng ating kababayan saan mang sulok ng bansa o mundo, para may mabilis silang pagkukunan ng mga impormasyon kaugnay sa mga usaping legal,”wika ni Lapid sa isang pahayag.
Isasalin din sa Filipino at iba pang diyalekto ang sistema upang magkaroon ng universal access at pagkakaintindihan. Bukod sa 1987 Constitution, magkakaroon din ang sistema ng Revised Corporation Code, National Internal Revenue Code at Labor Code.
Kailangan makapasok ang mga Filipino sa sistema, makagpagbasa ng legal issues na pangkaraniwang tinatanong ng ating mamamayan o may kinalaman sila tulad ng kasal at family relations, mana, karahasan laban sa kababaihan at kabataan, titulo ng lupa at pagpaparehistro ng ari-arian, bentahan, pautang at sanla.
“Sa ngayon wala pang website na nagbibigay ng updated at libreng impormasyon kaugnay sa ating Konstitusyon at mga usapang legal. Maging ang simpleng mga termino na maipaliwanag sana sa ating mga kababayan sa salitang naiintindihan nila ay malaking tulong para lahat tayo, kahit hindi abugado ay may alam sa ating mga karapatan at hindi tayo basta maloloko,” saad ni Lapid.
“The measure also proposes that the DOJ shall establish partnerships and agreements with similar government institutions such as the National Library, the Presidential Museum and Library, Senate and House of Representatives Library, the Supreme Court Library, the Office of the National Administrative Register of the UP Law Center, among others, for purposes of allowing digitalization and shared access to books, documents and resources,” ayon pa sa panukala.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY