Personal na naglibot si Senator Win Gatchalian Senate Committtee Chairman on Basic Education Culture and Arts sa mga paaralan ng Valenzuela City upang busisiin ang pagpatupad sa distance learning sa pagsisimula ng klase sa taong ito. Unang pinuntahan ng naturang alkalde ang Valenzuela City School of Mathematics and Science (VALMASCI) sa Malinta sa nasabing lungsod kasama si Mayor Rex Gatchalian. (DANILO ECITO)
KASABAY ng pagbubukas ng school year 2020-2021 ngayong araw, nais tiyakin ni Committee on Basic Education, Arts and Culture Chairman Senator Sherwin Gatchalian ang kaligtasan at kapakanan ng mga guro sa buong bansa na nag-iikot sa mga bahay ng mga estudyante at namimigay ng self-learning modules sa harap ng panganib na hatid ng COVID-19.
Binigyang diin din ng naturang senador na dapat tiyakin sa mga guro at tauhan ng mga paaralan na matutugunan ang mga pangangailangan sa eskwelahan upang maging matagumpay ang pagpapatupad ng Basic Education-Learning Continuity Plan (BE-LCP).
“Kailangan nating tulungan ang mga guro na protektahan ang kanilang mga sarili laban sa COVID-19. Mayroon sa kanila ang naglabas na mula sa sarili nilang bulsa para may maipambili lang ng gagamitin para sa distance learning, pati pambili ng face masks at alcohol. Huwag nating hayaang madagdagan pa ang gastusin nila,” wika ni Gatchalian.
Nitong umaga nga lang ay ilang paaralan at lugar sa Valenzuela ang binisita ni Senator Gatchalian upang busisiin ang pagpapatupad ng distance learning sa pagsisimula ng klase ngayong taon.
Alas-9:00 ng umaga ay unang sinilip ni Senator Gatchalian kasama si Mayor Rex Gatchalian ang Valenzuela City School of Mathematics and Science sa Pablo St. Malinta.
Sunod na pinuntahan ni Senator Gatchalian ang ilang bahay sa bahagi ng Mariveles Street, Marcos Street at Orani Street na nasa Malinta din upang kamustahin ang mga mag-aaral at magulang sa unang araw ng klase.
Bukod sa layuning alamin ang sitwasyon ng online classes ay plano din ni Senator Gatchalian ang mamigay ng face shield at face mask sa mga guro.
Nasa 3.5-milyong mga face masks at 600,000 mga face shields ang nakatakdang ipamahagi ni Senator Gatchalian iba’t ibang paaralan sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna na mapakikinabangan ng public school teachers, school at assistant school principals, public school district supervisors, school division superintendents, at assistant school division superintendents.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY