January 23, 2025

Sen. Drilon, susuporta kay Pangulong Digong na wakasan ang ‘Political Dynasty’

Kadalasan mga Cabalen sa senaryo ng ating politika, madalas kontra ang oposisyon.

May mga programa at batas ang administrasyon na tinututulan nila.Pero, hindi naman ganyan lagi ang sitwasyon, mga Cabalen.

Kung tungkol sa political dynasties ang pag-uusapan, mukhang kadiwa ni Pangulong Duterte ang tinaguriang ‘Big Man’ sa senado.

May sinabi kasi ang Pangulo na nasampolan ng pangil ng batas ang oligarkiya. Nagtagumpay aniya ang katarungan laban dito.

Pero, ayon kay Senador Franklin Drilon, ang tunay aniya na oligarch ang political dynasties.

Hindi raw lahat ng mayayaman ay oligarch.

Ito aniya ang dapat wakasan at dapat buwagin.

Kung gusto aniya ng Pangulo na mawakasan ang oligarkiya, dapat matigil ang politcal dynasties.

Dahil sa bad shot sa administrasyon ang oligarkiya, naniniwala ang senador na kayang isulong ng Pangulo ang Anti-Political Dynasty Bill.

Dapat aniyang ilatag ito sa Kongreso. Ayon pa sa senador, karamihan aniya sa mga Kongresista ay kaalyado nito.

Kaya,may posibilidad na maipasa ang panukalang batas.

Handa ang senador na makipagtulungan sa administrasyon upang wakasan ang anumang uri oligarkiya.

Tutulong aniya siya na repasuhin ang kasalukuyang sistema.

Teka, wala bang masasagasaan si senador Drilon sa kanyang ideya?

Totoo kayang di siya sangayon sa political dynasty? Ang porma ng ating pamahalaan ay Republika.

Inihahalal ng taumbayan ang gusto nilang mamuno. Kahit mula pa sa angkan ng politico ang tatakbo sa halalan, kung ayaw ng tao, tapos ang karera.

Nasa kamay at desisyon ng tao ang magiging kapalaran ng mga politiko. Gayan kalakas ang kapangyarihan ng mamamayan.

Kagaya noong nakaraang halalan, nagwakas halos ang pamamayagpag ng isang angkan ng mga politiko.

Kung sinsero nga si Sen. Drilon sa kanyang pakikiisa sa admninistrasyon na wakasanang political dynasty, magandang hakbang yan.

Magkaiba man ng partidong politikal, walang masama sa pagkakaisa lalo pa’t maganda naman ang layunin.