November 14, 2024

SEN. CYNTHIA VILLAR GALIT BA SA MURANG BIGAS?

UMAPELA ang tatlong lider ng Kamara de Representantes kay Sen. Cynthia Villar na hayaan ang mga Pilipino, lalo na ang mga mahihirap, na magkaroon ng access sa murang bigas.

Kasunod ito ng mistulang agarang pagtutol ni Villar sa panukala na maamyendahan ang Rice Tariffication Law upang muling makapagbenta ang National Food Authority (NFA) ng bigas sa merkado sa presyong mas mababa kaysa sa commercial rice.

Suportado naman ni Deputy Majority Leader Faustino “Inno” Dy V (Isabela, 6th District) na mula sa isa sa mga probinsyang pangunahing pinagkukunan ng bigas ang pagbabalik ng mandato ng NFA pagdating sa market intervention.

“NFA acts, as before, it acts as a safety net para po sa ating mga kababayan. Not only that, it becomes a price regulation tool. By allowing NFA to do its function like before, magkakaroon na tayo ng mas mababang presyo ng bigas sa merkado. Hopefully that will lower the prices of other competing well-milled rice, other types of rice,” ani Dy.

“Alam po natin, sa hirap po ng panahon ngayon, the amount the family needs to spend on rice napakalaking porsyento na po iyan. So, kung nandyan po ang NFA, again we could supply rice at a cheaper price and mas mapapalaki pa natin ‘yung kita ng ating farmers… mako-close po natin ‘yung gap between ‘yung kita ng farmers and presyo na binibigay po natin sa consumers,” wika pa niya.

Maaari namang maglagay ng mga probisyon o gumawa ng panuntunan upang mapigilan ang korapsyon sa planong amyenda ng RTL, aniya.

“Now that we are crafting a new law, or amendments to the RTL law, we can introduce kung ano po ‘yung mga kinakailangan na amendments para pagandahin po natin ‘yung sistema… so meron mga improvements na kailangan talagang gawin at i-introduce… But it doesn’t mean that we should not entertain the idea of introducing the NFA function again kasi kinakailangan nga pong may ganito tayong paraan para may access din po ang ating mga kababayan sa mas murang bigas,” giit pa niya.

Sinangayunan naman ni Assistant Majority Leader Mikaela Angela Suansing (Nueva Ecija, 1st District) ang naunang pahayag ni Acidre.

Ani Suansing, na isa sa mga pangunahing may akda ng panukalang amyenda sa RTL, kailangan nang rebisahin ang batas dahil nakita naman na ang epekto nito sa mga Pilipinong mamimili.

“Maraming paraan para panagutin ‘yung NFA (sa corruption). Ngayon po na i-introduce namin ‘yung amendments, pwede namin kasi siyang i-craft ‘yung mismong provision at ‘yung implementing rules and regulations such that ma-limit ‘yung access ng NFA in the parts of the processes that may solicit corruption on their part. So may nakikita po kaming paraan na maaari nating maibalik ‘yung mandato ng NFA na makabenta ng bigas ng direkta sa merkado and at the same time, kaya po natin na i-limit in such a way na hindi po prone to corruption,” aniya.

“And babalik po tayo na ang talagang objective natin ay matulungan ‘yung mga Pilipino lalo na po ‘yung mga mahihirap na pamilya na magkaroon po ng abilidad na bumili ng bigas sa mas affordable na halaga. Kung ano man ‘yung mga nangyayari sa NFA hindi dapat ito ‘yung maging dahilan na tanggalin natin ‘yung NFA rice at mawalan ng access ‘yung mga Pilipino sa mas murang bigas,” saad pa niya.