
TUMUTOK lang ngayong darating na linggo, para sa papremyong handog ni Sen. Bong Revilla Jr.
Pasasalamat ito ni Tolome, sa walang sawa ninyong pagsuporta sa ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis!’
“Masayang malungkot dahil magtatapos na ang ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis!’ Kaya nga heto ang pasasalamat ni Tolome sa kanila, mamimigay kami ng papremyo na alam kong magugustuhan nilang lahat,” ayon sa senador.
“Puspusan na rin ang aking pagpapagaling, dahil ‘pag okay na ako at pwede na ay, resume na namin ang shooting ng ‘Alyas Pogi IV.’ Balik sa paggawa ako ng pelikula na, matagaltagal din akong hindi gumawa,” dagdag pa niya.
“Entry namin ang ‘Alyas Pogi IV,’ sa darating na Metro Manila Film Festival 2024. Sana magtutunugan tayo para maibalik natin ang sigla ng ating movie industry,” pagpapatuloy pa nito.
More Stories
Bagong PCO chief, wagi sa P206-M PCSO deal? JAY RUIZ DARAAN SA BUTAS NG KARAYOM SA COMMISSION ON APPOINTMENTS
PCSO at Bayanihan Sands nangibabaw sa 11th CAMI Clark Golf Cup
Davao Occ. Tigers COCOLIFE… ANG PAGBABALIK NG TIGRE SA MPBL!