November 2, 2024

SEN.BONG GO… THREE POINTS!!!

BULLS EYE ang kanyang mga  malalayong asinta  sa basketball mula pa noon gayundin ang mga puntirya niyang adhikain bilang isang lingkod -bayan ngayon.

Mistulang isang pukol mula sa halfcourt ang swak na halos pumunit sa net ng basketball rim ang pagpasok sa pulitika ng longtime executive assistant ng noo’y Davao City   Mayor Rodrigo Duterte.

Ni hindi siya dumaan  sa  pagiging konsehal, kapitan, alkalde, bokal, gobernador o kinatawan kundi sapul agad nito ang  pagiging Mambabatas ng Mataas na Kapulungan.

Wala man sa hinagap ni Senator Christopher Lawrence ‘Bong Tesoro Go  na magiging isa siyang alagad ng lehislatura na may bangkong higit 21 milyong boto  at top 3  ang ranggo sa Senado na isang rainbow shot made in heaven.

Ang naging mitsa ng tadhana ni Sen.Go  ay ang longshot na panalo bilang Pangulo ng bansa ni Mayor Duterte kung  saan ay  siya ang campaign sorties manager nationwide , kaya mula sa lokal na paglilingkod ay isang give and GO ang kanilang pag-angat sa serbisyong nasyunal .Hindi lang sa mga Davaoeños kundi sa Sambayanang Pilipino na ang aspeto.

Dahilan sa higit dalawang dekadang pagiging tapat ni  Go kay Mayor Digong  ay tuloy ang kanilang tandem hanggang Malacañang kung saan ay hinirang  na Special Assistant to the President si SAP Bong Go.

Dahil may mga naglaway at nainggit sa kanyang posisyon bilang Little President  o kanang kamay ay may mga pulitikong hinihila siya pababa pero sa halip ay nag-angat lalo  sa kanya na umani pa ng simpatiya mula  sa mamamayan dahil sa likas niyang ugaling kababaang loob ,pagiging totoo at angking karisma na minana pa niya sa kanyang  angkan  na  printing magnate sa Davao mula Fil-Chinese ancestry.

Ang mga fragrant foul ng oposisyon ang naging  dahilan ng freeshots plus possesion ni PDigong para  kay SAP Go…” Sa 2019 Senador ka na!”

Nangyari nga ang iginuhit nang tadhana. “Nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal sa kanyang blessings sa  inyong abang lingkod, sa tiwala ng  Sambayanang Pilipino at ni Pangulong(Rodrigo) Duterte .Di nga po ako makapaniwala na Senador na ako ngayon kaya asahan niyong  gagampanan ko ng taos-puso at puro bulls eye ang aking paglilingkod para  sa inyo”,pahayag ni Senator Bong Go sa UPPERCUT.

Ramdam na ng taumbayan ang pagtupad ng pangako mula nang mahalal siya noong nakaraang (2019) midterm election.

Buong bansa ay natutulungan na ng kanyang platapormang tinutupad na heathcare  at social service program  na tunay na MALASAKIT  para sa bayan,higit ngayong panahon ng pandemya,repeal ng juvenile act law at mga batas para sa mga atleta ng bansa bilang pinuno ng Senate Committee on Sports tampok ang pagtatag ng Philippine National Academy in Sports (PNAS) para sa mga Pilipinong student athletes.

Beyond politics, si Senator Go ay isang masugid na entusiyastiko sa basketball.

Ang Management graduate ng De La Salle University  na si Go ay naging manlalaro ng basketball habang nag-aaral  dahil sa husay nito sa outside shooting at playmaking skills.

Naging bantog siyang three-point king sa mga liga sa Davao at consistent siya kahit nasa City hall na siya bilang Little Mayor.

Sikat ang basketball sa Davao, bawat laro sa liga ay dinudumog ng tao kaya lahat ng games ay seryoso. Boss ka man o may binesa sa  lipunan ay babantayan ka upang di makatira ng libre sa bawat attempt.

Nasaksihang personal ng reporter na ito noong tumikada si Go ng guwardiyadong 16 triples sa isang laro  bilang licensed to shoot player ng  Royal Mandaya Hotel / City Hall team katropa niya ang shooter ding si Glenn Escandor at noo’ y bisitang  si Senator Alan Peter Cayetano teammates din ang  homegrown cagers katunggali ang PBA Legends para sa torneong bahagi ng  selebrasyon ng Araw ng Dabaw 2014 coverage.

Ang mga rainbow shots ni Go ay natural skill at hindi tsamba  lang  at pinatunayan niya ito sa mga nilahukang  special event na 3-point shoot- out ng PBA at FIBA 3-on -3 three-point  tilt sa  Philippine Arena kung saan ay di siya nagpahuli sa mga seasoned shooters ng pro- league.

Spectator din siya at espesyal na panauhin sa mga big games ng PBA  at ginanap na FIBA Asia kasama ang bisitang pandangal na si PDu30.

Dahilan sa superior na height ng ibang lahi kaya ipino-promote ni SBG ang outside shooting na kayang ihasa ng Pinoy cagers panlaban sa international basketball scene.

Ang 46- anyos na Senador ay tunay na longshot ang tatahakin pang paglilingkod sa  Sambayanan kaya tuloy lang ang pagiging asintado sa mga puntiryang  umiskor ng tagumpay para sa bayan.GO…three points!!!Aim high sa BEINTE DOS!!