January 27, 2025

Sen. Bato sa AFAD Defense and Sporting Arms Show sa SM Megamall

MULING ibibida ng Association of Firearms and Ammunitions Dealers of the Philippines, Inc. (AFAD) ang pinakabagong produkto na imported at gawa sa Pilipinas na maipagmamalaking mga armas at paraphernalia sa gaganaping  ikalawang yugto ng pinakamalaki at pinakaaabangang 28th Defense and Sporting Arms Show sa bansa sa Nobyembre 24- 28 sa Megatrade Hall ng SM Megamall sa Mandaluyong City.

Sinabi ni AFAD president Hagen Topacio na ang aktibidad ay bahagi ng masiglang kampanya at programa ng grupo para maibalik ang ningning sa industriya matapos maapektuhan sa nakalipas na halos tatlong taong  dahil sa mga paghihigpit sa pandemya.

“Ang Association of Firearms and Ammunitions Dealers of the Philippines Inc. (AFAD) ay muling nasasabik na maipakita muli ang world-class na gawang lokal at imported na mga baril, bala at paraphernalia pagkatapos ng tatlong taon,” ani Topacio.

“Ang tagumpay ng unang yugto ng programa nitonhg Hulyo ay talagang nagpapalakas ng loob at sigasig ng mga miyembro at kasangga ng AFAD. Ang pandemya ay talagang nakapekto hindi lamang sa ating industriya kundi sa lahat ng sektor at komunidad. Sa ikalawang bahagi ng expo na ito, asahan na magpapakita kami ng higit pa at ang bagong linya ng produkto ay magagamit para sa lahat ng responsableng may-ari ng baril,” sabi ng 2021 Vietnam Southeast Asian Games silver medalist sa shotgun event of shooting.

Muling inimbitahan si Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa at kinumpirma ang kanyang presensya sa opening day sa Huwebes (Nobyembre 24). Magsisimula ang programa  ganap na 11:00 am.

Idinagdag ni Topacio na ang mga bagong hanay ng mga kapana-panabik na aktibidad ay nakahanay sa limang araw na kaganapan gayundin ang karaniwang pakikipagtalakayan ng mga bisita at mga distributor upang malutas at sagutin ang lahat ng mga katanungan tungkol sa kanilang mga pangangailangan at nais na produkto.

Idinagdag niya na ang mga nagnanais na maging may-ari ng anumang armas ay mabibigyan nang tamang kaalaman dahil ang AFAD ay magsasagawa ng mga seminar at mga programang pang-edukasyon sa pagtatanggol sa sarili, responsableng pagmamay-ari ng baril, paghawak sa kaligtasan ng mga baril, at patakaran sa regulasyon sa pagmamay-ari ng baril.

“Ang AFAD sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police at iba pang kinauukulang ahensya ay laging namumuno at handang tumulong sa pagproseso ng mga kinakailangang dokumento para sa mga lisensyadong aplikasyon at pag-renew,” sabi ni Topacio.

Ang University of the Philippines (UP) alumnus sa Public Administration ay nag-imbita sa publiko, mga bisita, at responsableng mga may-ari ng baril na pumunta at suportahan ang educational sporting arms show. “Ang iyong suporta ay tiyak na magpapanatiling buhay at pag-unlad ng industriya ng baril dahil ang AFAD ay nakatuon sa paggawa ng word-class, mataas na kalidad ngunit abot-kayang mga produkto,” sabi ni Topacio.