June 18, 2024

SELF-CONFESSED DRUG LORD KERWIN ESPINOSA,TATAKBONG MAYOR SA ALBUERA, LEYTE?

📷 Rappler

Matapos ang sunod-sunod na tagumpay, tila determinado si self-confessed drug lord Rolan “Kerwin” Espinosa na deteminado ito na sundan ang yapak ng kanyang pinaslang na ama sa Leyte, partikular sa bayan ng Albuera, kung saan nagkalat ang “Care-win” posters.

Nakadisplay na ang naturang sa poster sa naturang bayan noong Mayo pa lamang nang ipagdiwang ng sentro ng bayan ang kanilang pista. Lumalabas din sa mga poster si Espinosa na kasama ang village politicians para bumati ng Happy Fiesta, na may mensaheng: “Rolan ‘Care Win’ Espinosa – The one who truly cares.”

Matatandaan noong Noyembre 5, 2016 nang mabaril at mapatay sa loob ng kulungan sa Leyte Sub-Provincial Jail sa Baybay City ang kanyang ama na si Rolando, Sr., na noo’y alkalde pa ng Albuera.

Inakusahan ng mga awtoridad noon na napatay ang nakatatandang Espinosa, na iniugnay din sa drug trade, at isa pang drug suspect na si Raul Yap. Nanlaban umano ang mga ito habang ang mga ahente ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay naghahain ng magkahiwalay na warrant of arrest laban sa kanila habang nakakulong sila.

Mabilis na naging usap-usapan ang poster ni Kerwin, na isang uri ng “epal”, sa Leyte kaugnay sa kanyang political ambitions, lalo na nang lumabas ang larawan sa online kung saan makikita siya na kasama si incumbent Albuera Mayor Sixto dela Victoria.

Ito ang ikalawang termino ni Dela Victoria bilang aklakde ng Albuera, matapos mahalal noong 2019, tatlong taon ang nakalilipas na patayin ang ama ni Kerwin.

Naging mainit ang pangalan ni Kerwin nang iugnay ito sa kalakaran ng illegal na droga noong kasagsagan ng madugong drug war ng Duterte administration. Inakusahan siya ng pagiging drug lord sa Eastern Visayas at mismong si noo’y Presidente Rodrigo Duterte ang nagpangalan sa kanya.

Matapos ang pagkaaresto sa kanyang ama, lumayas si Kerwin sa bansa subalit kalaunan ay nahuli sa Abu Dhabi at pinabalik ng bansa.

Pinakawalan si Espinosa noong Disyembre 2023 matpaos magpiyansa para sa kasong droga at money laundering. Bagama’t ibinasura ang ilang kaso noong mga nakalipas na taon, binuksan ng Court of Appeals (CA) ang dalawang kaso nito noong Pebrero.

Nitong Hunyo 5, 2024, ibinasura ng regional trial court sa Baybay, Leyte ang drug case laban kay Kerwin. Mayroon din siyang dalawa pang kaso ng illegal possession of dangerous drugs at illegal possession of firearms, na kamakailan ay muling pinabuksan ng Court of Appeals. Noong 2022, binawi niya ang kanyang naunang alegasyon kaugnay sa droga laban kay dating Senador Leila de Lima at sinabing siya ay “coerced, pressured, intimidated and seriously threatened” ng pulisya para idiin si De Lima sa Senate joint committee hearings sa pagpatay sa kanyang ama.

Sa kabila ng mga nakaraang kontrobersiya, lumilitaw na malaki pa rin ang nakukuha niyang suporta sa mga taga-Albuera, kung saan iginiit na siya ay “nagbinuotan” o nagbago.