PIYESTA sa saya ang mga kabarangay sa buong nasyon matapos tapusin ng Barangay Ginebra San Miguel ang TNT Tropang Giga, 82-78 sa game 5 para sa kampeonato ng PBA Philippine Cup kamakalawa ng gabi sa AUF Sports Center sa Angeles City , Pampanga.
Magilas na ipinamalas muli ng beteranong court general na si LA Tenorio ang kanyang endgame brilliance upang biguin ang undermanned pero palabang Tropang Giga na tangkang palawigin pa sana ang best -of -seven finals sa Smart Giga Clark bubble.
Nalimitahan sa opensa sa first quarter ang tore ng Ginebra na si Japeth Aguilar dahil sa maagang dalawang sunod na personal foul,nagsimula itong mangalabaw sa ikalawang yugto hanggang sa dulo upang pangunahan ang koponan sa kanyang career high 32 puntos,8 rebounds at 3 steals upang tanghaling best player of the game na pampinale sa nag-iisang conference ng PBA sa 2020 season na nangyari dahil sa pandemya.
Si Stanley Pringle na nangapa sa unang tatlong yugto ay sumiklab sa final quarter tampok ang kambal na tres nito upang agawin ang kalamangan sa TNT na naging hudyat ng kanilang dominasyon sa katunggali.
Tumikada ng 10 puntos at 6 assists ang binansagang tenyente ng hardcourt na si Tenorio tampok ang kanyang matalinong playmaking sa crunchtime sapat na para gawaran ng finals’ Most Valuable Player award at namnamin ang kanilang kampeonato sa All-Filipino na ang huli ay noon pang 2007.
Nag-ambag ng 8 si Jarred Dillinger, 7 kay Joe DeVance, 6 kay Scottie Thompson , 5 kay Aljon Mariano at tig- tatlo kina Caperal at Jeff Chan para sa ika-13 titulo ng Ginebra franchise na tumabla na sa record ng Crispa Redmanizers.
Tulad nang inaasahan ay binalikat ni Roger Pogoy ang laban sa kanyang 28 points, 8 rebounds output, 18 kay Poy Erram, 17 kay Simon Enciso na bumira ng dalawang sunod na tres sa 3rd upang umangat sa 73-68 na agad namang binura ng Gin Kings,12 kay Rosario upang mapahaba sana ang title quest ng TNT sa serye na huling nanalo ng ksmpeonato noon pang 2015.
“It’s a diffrent kind of feeling being here.Our guys really battled for it”, pahayag ni winningest PBA coach Tim Cone na pang-23 na niya ang bubble crown.”Little bit of unreal, everything is different from celebration and awarding”.
Nagpasalamat naman sa lahat sa kanilang tagumpay si Tenorio, una sa Maykapal, kanyang pamilya,sa management, teammates, sa PBA, media at sa Ginebra nation na hinuhugutan ng inspirasyon ng finals MVP na si Tenorio. “Ang hiniling ko lang sa Kanya ay ang championship,pero may bonus pang Honda MVP award. Salamat po sa inyong lahat at sa Ginebra fans, inspirasyon namin kayo sa tagumpay nating ito”, emosyonal na sambit ni Tenorio.
Tunay na inalat lang ang TNT. Kung nagkataong na-extend ang serye sa game 6 ay tagilid ang Ginebra dahil magsi-shift ang momentum sa Katropa at makakalaro na sina Jayson Castro at Bobby Ray Parks kaya malamang na naiba ang ating storya.
Pero ang isa sa rason ng tagumpay ng Gins ay ang battle of coaches. Si Cone ang may final say sa Ginebra habang si TNT coach Bong Ravena ay mistulang dummy dahil ang nangengelam sa bench ay isang dayuhang hugot na utak superyor kumpara sa local mentors. Hayun, lito ang Tropang Giga kung sino ba talaga? Kung hinayaan na lang sana si Ravena baka nanalo pa ang magkakatropa.
Better luck next season TNT!
More Stories
PAGPASA NG P3.5 BILYONG BUDGET NG MARIKINA, NAAYON BA?
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE