
SHOOT sa rehas ang isang manyakis na security guard na wanted sa maraming kaso ng rape matapos maaresto sa ikinasang manhunt operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Ikinasa ng mga opereatiba ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) ang pinaigting na pagtugis sa 37-anyos na akusado na kabilang sa listahan ng mga Most Wanted Person (MWP) sa lungsod.
Dakong alas-2:50 ng hapon nang tuluyang masakote ng mga operatiba ng DSOU ang akusado sa No. 729 T.M. Kalaw St., Barangay 178, ng lungsod.
Hindi na nakapalag ang akusado nang isilbi sa kanya ng mga operatiba ng DSOU ang warrant of arrest para sa kasong multiple of Rape na inisyu ni Presiding Judge Barbara Aleli Hernandez Brionez, ng Family Court, Branch 1, Caloocan City, noong October 24, 2022 na walang inirekomendang piyansa.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng NPD sa Kaunlaran Village, Caloocan City habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman.
Pinuri ni P/Col. Josefino Ligan, Acting District Director ng NPD ang DSOU para sa kanilang hindi natitinag na dedikasyon sa pagpapatupad ng batas kung saan muli niyang pinagtibay ang hindi natitinag na pangako ng NPD sa walang humpay na operasyon laban sa mga wanted na criminal.
More Stories
Erwin Tulfo sa mga nag-aala lawyer sa social media: DUTERTE INOSENTE HANGGA’T HINDI NAPAPATUNAYANG GUILTY
MARAMI PANG SISIBAKIN SA BI DAHIL SA PAGTAKAS NG PUGANTENG KOREANO
BASTE KAY MARCOS: PINAKULONG MO NAGPALIBING SA TATAY MO, P***** I** KA!