Pinangigilan ng mga netizens ang nangyaring pambubugbog ng nagpakilalang anak ng isang kongresista sa security guard ng isang exclusive subdivision sa Parañaque City.
Matatandaan na nag-viral sa social media ang mga video kung saan makikita ang isang grupo na pinagtutulungan ang security guard na nakilala na si Jomar Pajares, na nagta-trabaho sa BF Homes Subdivision, Parañaque City.
Nag umpisa ang gulo dahil sa hindi pinapasok ni Parajes ang grupo ng suspek sa nasabing subdivision dahil wala silang sticker.
Nagalit ang driver ng kotse at umalis, ngunit bumalik ito dala dala na ang sticker na hinahanap ng security guard.
Dito na inumpisahan ng grupo na pagtulungan si Parejes na pilit pinaluhod ng mga suspek.
Nagpakilala din ang suspek na anak ng isang congressman.
Dahil dito ay natakot na si Pajares sa kanyang buhay dahil hindi basta basta ang kumakalaban sa kanya.
“Masakit kasi naghahanap-buhay ako para sa pamilya ko eh. Pag-uwi ko ngayon, hindi na ako mapakali, natatakot ako kasi maya-maya balikan ako. Iniisip ko ‘yung pamilya ko, ‘yung anak ko. Ganoon na lang ang takot ko kasi malaking tao ‘yan eh,” ani Pajares.
Ngunit kahit na malaking tao ang suspek ay hindi parin ito nagdalawang isip na magsampa ng kaso.
“Dapat mabigyan ng hustisya kasi hindi ‘yan aaksyunan. Hindi lang ako ‘yung katulad ko na gagawan niyan ng mga mayayaman. Hindi lang ako ang magiging biktima niyan,” sabi pa ng security guard.
Kalaunan ay nadiskubre na ang suspek ay si Board Member Kurt Teves, anak ni Negros Oriental 3rd District Representatives Arnie Teves.
Inilabas ng mamamahayag na si Mon Tulfo ang detalye tungkol sa suspek sa pamamagitan ng kanyang Facebook page na “Isumbong Mo Kay Tulfo”
Nangako si Tulfo na tutulungan niya ang security guard na makakuha ng hustisya.
Matatandaan na dumalo si BM Teves sa 30th National Convention para sa mga Provincial Board Members League of the Philippines (PBMLP) na ginanap nitong Marso 17 hanggang 19. Sa ngayon ay wala pang pahayag si Teves tungkol sa kasong kakaharapin niya mula sa security guard.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna