
TODAS ang isang security guard matapos pagsasaksakin ng kanyang nakababatang kapatid makaraan ang mainitang pagtatalo habang nag-iinuman sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Agad binawian ng buhay sanhi ng tinamong mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang 46-anyos na biktima, habang himas-rehas naman ngayon sa loob ng Caloocan police detention cell ang 43-anyos niyang kapatid na isa ring security guard.
Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan dakong alas-6:55 ng Lunes ng gabi nang maganap ang insidente sa bahay ng magkapatid sa DM Compound, Barangay 73.
Sa pahayag sa pulisya ng 20-anyos na saksi, sales clerk at residente din sa nasabing lugar, habang nag-iinuman ang magkapatid nang magkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang mga ito na humantong sa pagsusuntukan.
Nang tangkain niyang umawat, kumuha umano ang suspek ng kitchen knife at paulit-ulit na pinagsasaksak sa katawan ang biktima na nagresulta ng agaran nitong kamatayan habang tumakas naman ang una matapos ang insidente.
Humingi naman ang saksi ng tulong sa barangay na sila namang nagreport ng insidente sa pulisya at sa isinagawang follow up operation ng mga tauhan ng West Grace Park Police Sub-Station 3, ay naaresto ang suspek dakong alas-11:55 ng gabi sa C-4 Road, Brgy. Longos, Malabon City.
More Stories
DELA ROSA SA PNP: SA HALIP MAKISAWSAW SA PULITIKA, PAGTAAS NG KASO NG KIDNAPPING TUTUKAN
PANGUNGUNA NI VP SARA SA SURVEY WALANG EPEKTO SA IMPEACHMENT TRIAL – REP. LUISTRO
ROQUE, MAHARLIKA KINASUHAN NG NBI DAHIL SA POLVORON VIDEO