ARESTADO ang isang sekyu matapos umanong magpaputok ng baril sa Barangay Baesa, Quezon City sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), kinilala ang suspek na si Boy Bagua, 44-anyos.
Inaresto si Bagua matapos isumbong ng isang concerned citizen kaugnay sa ginawa nitong illegal na pagpapaputok ng baril.
“During the arrest, it was observed that the suspect was evidently under the influence of alcohol, and a handgun was visibly tucked into his waist,” ayon sa QCPD.
Nakuha kay Bagua ang isang .36-cal. Special pistol na kargado ng pa ng bala.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 11926, o Indiscriminate Discharge of Firearms, at R.A. 10591, o Comprehensive Firearms and Regulation Act. | ulat ni Merry Ann Bastasa.
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan