Inihayag ni Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman na nananatiling prayoridad ng administrasyong Marcos sa 2024 budget ang sektor ng agrikultura.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Pangandaman na nasa final stage na sila ng panukalang 5.7 trillion peso budget para sa 2024.
“Agriculture definitely is still top priority, if you will notice, it’s the right thing to invest in agriculture because our GDP (gross domestic product) growth, yung share ng ating agri sector before it was 0.1 percent parang zero percent. Ngayon with more investment in agri increase productivity and yield ng ating mga farmers yung share n’ya sa ating GDP positive na up to 2 percent. Kaya I think tama ang formula, we’re still going to push for that, ” ani Pangandaman.
Makakaasa rin aniya ang publiko na hindi babawasan ang pondo para sa mga programang pangkabuhayan ng gobyerno.
”The president gave instructions to also provide for livelihood programs. While we will not decrease or limit the cash transfers kasi alam naman natin that there are sector na kailangan yan but I think as we exit really from the pandemic. Parang maganda ibigay na natin sa mga kababayan natin mga livelihood bigyan mo sila ng extension or grants or fund para sila ay makapagsimula,” pahayag ni Pangandaman.
Kasama rin aniya sa prayoridad ng gobyerno ang sektor ng kalusugan.
May pondo rin aniya para sa digitalization ng mga ahensya ng gobyerno.
At dahil hindi pa pasado ang panukala para sa Military and Uniformed Personnel pension reform bill, sinabi ni Pangandaman na kasama pa rin ito sa nakalatag sa 2024 proposed national budget. Target aniya ng DBM na maisumite sa Kongreso ang panukalang pambansang pondo isang linggo pagkatapos ng State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW