TINIYAK ng pamunuan ng Bureau of Corrections o BuCor na hihigpitan pa nila ang seguridad na pinatutupad sa mga bilanggo at mga dumadalaw na bisita.
Ayon kay J/INSP Angelina L. Bautista, BuCor Deputy Director for Operations at Acting Superintendent ng New Bilibid Prisons (NBP) dahil ito sa nakapasok na illegal drugs at mga paraphernalia na isinurender ng PDL na si Robert Gamboa, inmate sa maximum security compound ng NBP.
Patunay aniya ito na patuloy pa ring nakalulusot ang mga kontrabando sa loob ng NBP, at hindi aniya ito mangyayari kung walang kasabwat na mga tauhan ng BuCor na nangangasiwa sa inspection areas.
“Yan ang hirap hindi makakapasok yan kung walang connivance ng BuCor personnel kaya ang ginawa na namin ay kinausap na yung mga PDLs na sila na mismo ang magturo or mag-turn over ng mga illegal contrabands na ipinapasok o pinapalusot galing sa labas,”sabi ni Bautista.
Marami pa aniyang kailangang gawin upang ganap na mareporma ang mga kawani ng BuCor, dahan-dahan lamang.
“There’s a lot to be done to reform BuCor personnel and we are doing it one step at a time by scheduling value formation seminars that we hope will improved not only their values but the way they handle their jobs as corrections officers,” dagdag pa ni Bautista
Nabatid rin na pinulong ni Bautisya ang mga pinuno ng 14 na barangay (mga dating mayores) sa maxsecom, isa aniya sa 14 ay umamin na may nakumpiskang konting bawal na droga sa kanyang tauhan at ite-turnover.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA