ARESTADO ng mga miyembro ng Philippine National Police – Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) at Manila International Airport Authority – Airport Police Department ang isang Security Screening Officer (SSO) matapos umanong pagnakawan ang isang Chinese passenger sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 ngayong araw, Marso 1, 2023.
Kinilala ni Office for Transportation Security (OTS) Administrator, Undersecretary Mao Aplasca ang Security Screening Officer na si Valeriano Diaz Ricaplaza Jr, 31, nakatalaga sa NAIA Terminal 1.
Ninakaw ni SSO Ricaplaza ang relo mula sa hand-carry bag ng Chinese passenger na si Sun Yuhong, habang sumasailalim ang huli sa security screening procedure.
Naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling araw, nang komprontahin ng Hong Kong bound Chinese passenger si SSO Ricaplaza dahil sa kanyang nawawalang relo.
Itinanggi naman ni SSO Ricaplaza na nakita niya ang nawawalang relo. Dahil dito kaya sinamahan ng PNP-AVSEGROUP at MIAA-APD si SSO Ricaplaza at ang pasahero sa CCTV room para ma-review ang CCTV footages kung saan nakita na kinuha ni SSO Ricaplaza ang naturang gamit.
Agad inaresto si SSO Ricaplaza at dinala sa PNP – AVSEGROUP detention cell.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA