NAGPAKITANG-gilas sa bilis at shooting prowess ang powerhouse Asia Technological School of Science and Arts ( ASIATECH) upang iposte ang magaang buenamanong panalo kontra bagitong St.Ignatius College kamakalawa sa Laguna.
Tinantiya muna ng ASIATECH Jaguars ang SIA sa unang dalawang quarters bago inilatag ni coach Pablo Lucas ang killer instinct nitong lagkit ng depensa, run and gun game at fluid na opensa upang itala ang inisyal na panalo sa pagbubukas ng Season 9 Laguna Colleges Universities Athletic Association( LACUAA) basketball seniors category sa St.Vincent Gymnasium sa Cabuyao Ciy , Laguna.
Nagsanib- puwersa ang best player of the game na si Loloy Lucas kaagapay sina Jabby Montoya at Jerome Vegara upang dumistansiya na sa second half ang champion caliber na Jaguars at di na lumingon pa para tungo sa panalo at simulan ang misyong pagharian ang prestihiyosong torneo na inorganisa ni LACUAA top brass chairman Leonado Andres.
“Preparasyon,teamwork ,consistency is the key. Sinunod ng mga bata ang game plan dahil ang depensa ay resulta ng magandang opensa”, wika ni coach Pablo na nagpaabot ng pasasalamat kina sports coordinator Joel Reyes at management kina M’dam Shelalin G.Llave at Mr.Noel Barraquio.
Binubuo pa ng Asiatech nina Dexter Lugmay,Fhiolo Articona,Nhery Dancel,Jericho Mateto,Kian Isaac Vilan, Mark Lester Belitor,Angelico dela Cruz,Christopher Rivas, Juan.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI