November 5, 2024

SEAL OF GOOD EDUCATION GOVERNANCE MULING NAIBULSA NG VALENZUELA CITY

Muling iginawad sa Valenzuela City, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Rex Gatchalian, ang Seal of Good Education Governance ng Synergeia Foundation sa dalawang araw na virtual ceremony ng 14th Washington SyCip National Education Summit noong Marso 25-26, 2021.

Ito na ang ikaapat na sunod na pagkakataon na ginawaran ang Valenzuela City ng prestihiyosong parangal.

Ngayong taon, ang tema ng pagpili ay “Learning from Our Best to Defy Gravity”, ang 14th summit na pinangasiwaan din ng alkalde ay nagbahagi kung paano ang pamamalakad sa edukasyon para maging epektibo ang inilalatag na gabay ng local government unit, gayundin ang pagbalangkas ng polisiya para magtagumpay sa mga hamon sa pamamagitan ng paglikha ng education programs sa lungsod.

“In defying gravity, it is not just the children that must defy gravity. I really believe that policy makers like us must try to defy gravity by shaking up the status quo… Defying gravity does not happen overnight but it has to start somewhere,” ayon sa alkalde.

Ang education setting ng bansa ay nakapokus sa mga infrastructure development at hamon sa academe ang mga disengaged parent, non-consultative local school board, pag-upgrade sa curriculum at kakulalangan ng holistic at systemic approach para resolbahin ang education issues.

Kaya naman nakatugon sa nasabing hamon ang Valenzuela City sa kanilang pinalakas na Education 360 Degrees Investment Program, dahilan para mabawasan ang mga estudyanteng hirap makabasa o tumaas ang bilang ng mga estudyanteng nasa Grade 3 hanggang Grade 6. Sa datos, nasa 15,842 ang non-readers o frustrated level noong 2014 at pagsapit noong 2016, lumiit ang numero sa 6,375.