MASUSUKAT ang kahandaan ng Philippine Karate iTeam sa pagsabak sa Southeast Asia Karate Federation (SEAKF) Championships na lalarga sa Marso 13-19 sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.
Sinabi ni Karate Pilipinas Sports Federation (KPSF) president Richard Lim na mahigit sa 200 atleta mula sa 11 bansang miyembro ng SEAKF maliban sa Myanmar ang sasabak sa torneo na itinuturing pre-SEA Games tournament.
“Our very own SEAG Team led by Fil-Japanese Junna Tsukii and Sakura Alforte are coming over to participate in the tournament. Yes, buo na ang team natin for SEA Games, we already submitted the list sa Philippine Olympic Committee, but we still have a chance to change the line-up if ever na may makita tayong players na mas deserving,” pahayag ni Lim sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa PSC Conference Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Manila.
Iginiit ni Lim na isasabak ng Pilipinas ang pinakamatibay na koponan sa naturang torneo.
“Si Jamie (Lim) lang ang hindi makakauwi para lumaro. She needs to go to Canada para sa series of tournament na may world ranking points, saying din yun. But still, we’re fielding the best karatekas in the SEAGF,” aniya.
Ang perennial rival na Vietnam ang may pinakamalaking delegasyon na nagpadala ng lahok na 78 atleta, habang ang Myanmar ay nagpadalalamang ng mga opisyal at technical crew dahil sa kakulangan sa budget.
“Dito natin makikita kung ano ang magiging kampanya natin sa Cambodia SEA Games. Pero kumpiyansa kami, definitely, na malalagpasan natin ang 8 bronze medal na nakuha natin sa Vietnam edition last year,” pahayag ni Lim sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission at Behrouz Persian Cuisine.
Ayon kay Lim, may 17 kategorya ng paglalabanan sa Cambodia SEA Games,ngunit hanggang sa kasalukuyan wala pa umanong ipinalalabas na technical handbook ang organizers kung kaya’t may kaunting alalahanin ang dating SEA Games champion sa posibilidad na mabawasa ang kategorya bago ang pagsumite ng final entry by name sa Marso 6.
“Alam naman nating may dalawang work rank player tayo, kung makita nila ito sa kategoryang ito at walang ibang entry na ipasok sa ganitong kategorya para makaiwas, baka ma-scrapp yung event, awas na agad ng isang medalya sa atin, yan ang medyo alalahanin ko dahil wala pang THB ang organizers,” sambit ni Lim.
Gayunman, handa si Lim na isabak ang 19 players sa Cambodia para lumaro sa apat na event sa kumite (men’s at womens) at limang event sa kata (men’s and women’s. “We’re also waiting for the PSC approval sa aming request para magtraining sa Okinawa, Japan (kata) at Turkey (kumite). Sa Okinawa, magsasanay tayo under world renowned coach ng mga world champions, while sa Turkey, nandoon ang pinakamaraming mahuhusay na sparring mate,” saad ni Lim.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?