KUMPIYANSA si Wushu Federation Philippines (WFP) president Freddie Jalasco na hindi mabobokya ang Philippine wushu artists sa pagsabak sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia sa Mayo 6-17.
Ayon kay Jalasco, kauna-unahang Pinoy non-speaking Chinese, na kaya ng koponan na mapantayan ang dalawang gintong medalya na nakamit ng wushu artists sa SEAG sa nakalipas na taon sa Vietnam.
“Our athletes are ready and currently under intensive training with our Chinese coach. Hopefully, maging maganda ang performance natin sa Cambodia SEAG, but conservatively kaya ang 2 gold medal kaya natin yan,” pahayag ni Jalasco.
Sa Vietnam edition, nanatiling maninning si Agatha Wong sa napagwagihang gintong medalya sa women’s taijijian event, gayundin si Arnel Mandal sa men’s sanda 56kg.
Inamin ni Jalasco na walang masyadong nagging exposure ang wushu sa abroad dahil sa naaprubahang programa, ang SEA Games sa Cambodia ang unang torneo para sa Pinoy wushu artists.
“Yung Vietnam SEAG last year, after that hindi na nasundan, pero tuloy tuloy naman ang training natin kahit dito lang tao sa Pinas. Itong Cambodia SEAG ang una nating exposure at major program,” sambit Ni Jalasco
“Meron tayong players na galing sa Bicol na tisoy akala mo foreigner pero Bicolano yan, vey promising, yan ang babantayan natin,” aniya.
Pursigido si Jalasco na palakasin ang wushu sa Pilipinas higit sa mga malalayong lalawigan upang mas maparami ang wushu practitioner na puwedeng pagkuhaan ng atleta para sa mga international competition.
“Medyo sa mga probinsiya hindi talaga kilala ang wushu kaya ako ang ginagawa ko, isinasabay ko ang wushu sa basketball program na sinasamahan ko rin para pag dinagsa ng tao maipakikilala natin yung sports ng wushu,” sambit ni Jalasco.
Iginiit ni Jalasco na ang wushu ang isa sa martial arts sports na para sa Pilipino at kumpiyansa siya makakasungkit muli ng tagumpay ang Pinoy sa World stage.
“Mga athletes natin najabatay naman yan sa programa ng training natin. May mga graduate na pero marami tayong mga bata na puwedeng maging pambato in the future,” aniya.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON