January 19, 2025

SEAGAMES ’23: GINTO PA MORE SA MGA PH ARNISADOR

Victorious Gilas Pilipinas

SINAGIP ang araw para sa mga Pinoy arnisador matapos humataw at dumagdag ng tig-isang ginto sina Dexler Bolambao at Maria Ella Alcoseba sa full contact stick event ng 32nd Southeast Asian Games Cambodia 2023 sa Phnom Penh.

Binugbog nang husto ni Bolambao si Ty Prakponlue ng Cambodia upang saklitin ang gold medal sa men’s bantamweight division,3-0.

‘Di rin pinaporma ni Alcoseba si Moe Moe Aye ng Myanmar,3-9 sa full contact  padded stick. women’s bantam.

Naka-apat na gold medal ang Pinoy arnisadores nauna dito ang tig-isang ginto nina Charlotte Ann Tolentino at Jedah Mae Soriano.

Ang Philippine national arnisador na sumabak sa SEAGames Cambodia ay suportado ng  Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee ay nasa pagkalinga ni Philippine Eskrima,Kali,Arnis Federation( PEKAF)president Sen.Juan Miguel Zubiri.

 “We are very proud of our Pinoy arnisadores for. delivering golds for our country.Modern day heroes kayo ng ating bayan,” pahayag ni PEKAP prexy Senator Zubiri,dating kampeon ng larangan ng arnis noong kanyang prime.

Ang arnis ay isang sport na orihinal na Pilipino at ngayon ay medal event na sa international competitions tulad ng Southeast Asian Games.