MAGILAS na naiwaksi at nasapawan ang maliit na mali sa ribbons event upang tuluyang umusad sa finals si Breanna Labadan sa krusyal na stage ng 14th Senior Rhythmic Gymnastics Asian Championships qualifiers kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.
Umabante si Labadan sa finals ng dalawang events – ang individual all-around at ang ball – sa kumpetisyong inorganisa ng Gymnastics Association of the Philippines.
Ang 16-anyos na si Labadan na galing sa training sa Hungary ay nakatapos ng pang- anim pangkalahatan sa individual all-around qualifiers sa kanyang suma total na 107.90 points, kabilang ang the clubs (24.45) at ribbons (28.65) sa torneong suportado ng Philippine Sports Commission.
Ang pride ng Butuan, Agusan del Norte ay napabilang sa 18 atleta na sasabak sa all-around finals simula ngayong ika-10 ng umaga ss timpalak na may basbas ng Asian Gymnastics Union at inendorso ng Taisan and Pastorelli.
Si Labadan na bronze medalist nitong 32nd Cambodia Southeast Asian Games ay umiskor din ng 28.20 points upang makopo ang ikawalo at huling tiket ball event ng apparatus finals sa pagtatapos ng apat na araw na kumpetisyong sinuportahan din ng Milo, Pocari Sweat at Summit water bukas.
“A top 10 finish for Breanna will likely secure a ticket in the world championships in Valencia, Spain in August,” sambit ni competition manager Anna Carreon, “so we are praying she will do well tomorrow.”
“We would like Breanna for her splendid performance and we are all praying that she really does excel in the finals tomorrow of both of her events to make our country even more proud of her,” pahayag naman ni GAP president Cynthia Carrion.
“If we can fill the Ninoy Aquino Stadium tomorrow when Labadan competes, I believe she will be more encouraged to perform better,” ani pa Carrion kasabay ng panawagang i- cheer si Labadan ng hometown crowd upang mas.tumaas ang kanyang adrenaline sa pagbigay ng karangalan sa bansa.
Hindi naman pinalad mag-qualify ang isa pang pambato ng Pilipinas na si Daniela dela Pisa na nagsumite ng puntos sa clubs at ribbons na di abot sa qualfying standard upang mapatalsik sa kontensiyon ang 30 th SEAGames Philippines 2019 gold medalist.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW