Sumailalim si Scottie Lewis ng Charlotte Hornets sa isang surgery upang i-repair ang nabaling left leg. Natamo niya ito sa NBA Summer League practice session sa Las Vegas. Wala pang kasiguraduhan kung kailan siya babalik sa laro.
Gayunman, maayos naman at matagumpay ang isinagawang surgery. Inaasahan ding makaka-recover ng mabilis ang sophomore player. Isinagawa ang surgery sa Sunrise Hospital and Medical Center sa Las Vegas.
Naglaro si Lewis sa Florida na hinablot ng Hornets sa 2022 NBA Draft. Lumagda siya ng two-way contract sa Charlotte last season. Nakapaglaro siya ng 2 games sa Hornets at 32 games sa team’s G League affiliate, ang Greensboro Swarm.
Mayroon siyang average na 12.1 points, 2.9 boards at 2.2 assists sa 30.5 minutes per game.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!