Arestado ang isang school teacher matapos sampahan ng kasong paglabag sa Article 256 of the Revised Penal Code o intentional abortion ng kanyang mister sa Navotas City.
Ang pagkakaaresto sa school teacher, na pansamantalang itinago ang pagkakilanlan ay base sa warrant of arrest na inisyu ni Navotas Metropolitan Trial Court (MTC) Judge Frederick G. Separa ng Branch 118 para sa kasong intentional abortion.
Ayon kay Northern Police District (NPD) District Special Operation Unit (DSOU) OIC P/Maj. Amor Cerillo, maliban sa paglabag sa Article 256, nag-isyu din si Judge Separa ng isa pang warrant of arrest kontra sa school teacher para sa simple disobedience na may petsang December 9, 2020.
Siya ay inaresto ng mga tauhan ng DSOU sa pangunguna ni P/Sgt. Allan Reyes sa ilalim ng pamumuno ni P/Maj. Cerillo sa Champaca St., NBBS Proper, Navotas City dakong 1:40 ng hapon.
Ani Maj. Cerillo, bago ang isinampang kaso para sa intentional abortion, sinampahan muna umano ng school teacher ang kanyang mister ng paglabag sa R.A. 9262 o ang Anti-Violence Against Women and their Children Act matapos umano siyang bugbugin ng kanyang asawa.
Sinabi pa ng pulisya na nagsampa naman ng hiwalay na reklamo ang mister kontra sa kanyang misis para sa intentional abortion kung saan ang prosecutor ay nakakita ng sapat na batayan upang maiangat ang kaso sa MTC.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE