December 27, 2024

SCHOLARSHIP PROGRAM INILUNSAD NG SM PRIME

INILUNSAD ng SM Prime Holdings, Inc. (SM Prime) ang scholarship program katuwang ang University of the Philippines Los Baños (UPLB).

Ang “SM Sustainability Scholarship,” ay nagre-reflect sa commitment ng SM Prime sa educational access at sustainable stewardship.

Susuportahan ng nasabing programa ang sampung deserving student na hindi natapos ang kanilang pag-aaral sa UPLB at bibigyan sila ng pagkakataon na ipursige ang degrees sa Bachelor of Science in Human Ecology o sa Bachelor of Science in Forestry. Nakahanay ang fields na ito sa pokus ng SM Prime sa pagtataguyod ng resilient communities at pagpapaunlad sa sustainable future.

Pormal nang kinilala ang mga scholarship recipient, na maingat na pinili dahil sa kanilang kahusayan at dedikasyon sa pag-aaral, sa ginanap na meet-and-greet gathering sa UPLB, na tanda ng pagsisimula ng kanilang paglalakbay bilang SM Sustainability Scholars.

Bawat scholar ay makakatanggap ng full scholarship na saklaw ang tuition fees, monthly allowance at book allowance, para tiyakin na matututukan nila ang kanilang pag-aaral nang walang inaalalang bayarin.

“I would also like to thank SM Prime for putting emphasis on this scholarship. SM Prime did not just provide the finances or scholarship. They invested the time to really meet our scholars and provided other support mechanisms to ensure that our scholars thrive in their academic lives. This is also a manifestation of SM’s commitment to sustainability by really developing our future sustainability leaders,” ayon kay College of Human Ecology (CHE) Dean Dr. Jennifer Amparo.

Samantala, inihayag ni SM Prime AVP at Head Marketing, PR and Corporate Communcations, Rida Reyes-Castillo, na ang fundamental values ng kompanya ay ang intricately interwoven sa edukasyon at sustainability.

“SM Group’s founder, Mr. Henry “Tatang” Sy, Sr. believed that education is a great equalizer, and he envisioned that sending one child to college would create ripples of social good not just for families but for an entire community,” saad niya. “The improvement of the well-being of the youth and the partner communities is something that we at SM invest in.”

Sa loob ng ilang dekada, tinanggap ng SM group ang responsibilidad na mag-ambag sa pagtaguyod ng bansa sa pamamagitan ng social good programs na nakatuon sa kalidad ng edukasyon, sustainable agriculture, healthcare at disaster response. Sa pagtulong na mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga tao sa mga komunidad, social development at investment ay ang pagsabay ng paglago ng negosyo upang makamit ang magandang kinabukasan para sa lahat.