MASAYANG binati ni Taytay Mayor Joric Gacula ang 2,000 Iskolar ng Bayan ng Taytay, na ayon sa kanya ay talaga namang naapektuhan ng pandemya.
Ayon kay Mayor Gacula, alam ng lahat na karamihan sa pondo ng Pamahalaan ay nagamit sa pagbili ng bakuna at pagbibigay ng ayuda ngunit hindi niya pinabayaan ang pondo para sa edukasyon, na sa halip na magbawas ay nagdadag pa siya ng bilang ng mga scholars.
“Noon ay 200 lang ang Iskolar ng Bayan sa Taytay kayat sinikap natin mapa taas ang bilang nila sa 2000 scholars at mas dinagdagan pa natin ang tulong financial para sa kanilang pag aaral,” ayon sa Facebook post ng alkalde.
Mariin niyang hinikayat ang mga bagong scholars na huwag sayangin ang pagkakataon na sila ay natulungan bilang mga scholars dahil malaking bagay umano ito para mabago ang kanilang buhay.
Nagpapasalamat din si Mayor Joric kay Vice Mayor Mitch Bermundo at Sanguniang Bayan para sa kanilang pakiisa tungo sa isang mabuting layunin para sa mga estudyante.
Pinasalamatan din ng alkalde si Mr. Jerome Bernal ng Taytay Youth Affairs sa ipinakita nitong malasakit sa mga kabataan.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY