Isa sa mga prayoridad ni Konsehal Wewel De Leon ng Caloocan City ang pagkakaroon ng mataas na kalidad at accessible na edukasyon para sa lahat.
Kaya naman inihahandog ng nasabing konsehal ang “Scholar ni Konsi Wewel” na anim na taong scholarship program para sa mga incoming Grade 11 at 4 na taon scholarship naman sa 1st Year College.
“We present Scholar ni Konsi Wewel ay anim na taong scholarship program para sa mga incoming Grade 11 at 4 year hawak kamay scholarship naman sa mga incoming 1st Year College. Hindi ka na mag-iisa may kasama ka na,” ayon sa konsehal.
“Kasama ang PHINMA Republican College ang mga estudyante ng Caloocan sa pagtupad ng kanilang pangarap sa buhay,” dagdag pa nito.
Para sa karagdagang detalye ay makipag-ugnayan lamang kay Kagawad Richel Bolivar.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA