BINITBIT sa kulungan ang dalawang lalaki matapos maaresto ng pulisya na naglalaro ng illegal na sugal at makuhanan pa ang isa sa kanila ng shabu sa Valenzuela City.
Sa report ni police investigator PMSg Carlito Nerit Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap ang mga tauhan ng Malinta Police Sub-Station 4 ng tawag mula sa isang concened citizen hinggil sa dalawang lalaki na naglalaro ng illegal na sugal na cara y cruz sa 503 Matipuno St., Pinalagad, Brgy. Malinta.
Kaagad namang inatasan ni SS4 Commander P/Capt. Noelson Garcera sina PSSg Roland Belarma at PCpl Gilbert Asirit na puntahan ang nasabing lugar.
Pagdating ng mga pulis sa lugar dakong alas-2:45 ng madaling araw, naaktuhan nila ang dalawang lalaki na naglalaro ng cara y cruz kaya inaresto nila ang mga suspek na sina alyas ‘Juanito’, 41, scavenger at alyas ‘Christopher’, 51, kapwa ng Brgy. Malinta.
Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong piso coins na gamit bilang pangara at bet money na P340 habang nakuha naman kay ‘Juanito’ ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Sinabi PMSg Nerit na mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 habang karagdagan na kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kakarapin ni ‘Juanito’.
More Stories
MAYOR BELMONTE, CITY TREASURER OFFICE BINIGYAN NG AWARD NG QC COUNCIL
Private Equity Fund investments boost Philippine pension fund Macquarie Asset Management pays out $272 Million or PHp 15.8B to GSIS
Gobyerno, politiko at botante ang magpapahirap sa Pilipino!