NAHAHARAP sa patong-patong na kaso ang isang scammer matapos madakip sa isang entrapment operation na isinagawa sa San Fernando, Pampanga kamakailan lang ng National Bureau of Investigation-Organized and Transnational Division (NBI-OTCD).
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, kinasuhan ang suspek na si Carlos Simbul dela Cruz ng estafa sa pamamagitan ng Falsification of Commercial Document, Computer-related Identity Theft and violation of RA No. 3720 (Food, Drug, and Cosmetic Act) as amended by RA No. 9711 (FDA Act of 2009) at RA No. 10918 (Philippine Pharmacy Act).
Dagdag pa nito na nag-ugat ang pag-aresto dahil sa reklamong inihain ng Endure Medical Inc. (EMI) laban sa ilang indibidwal na umuorder ng pharmaceutical products ngunit walang payment na lumalabas sa account ng EMI account.
Sinabi rin ng mga kinatawan mula sa kompanya na peke ang mga pirma sa mga purchase order.
Natuklasan na ang indibidwal marami ng na-scam na pharmaceutical company.
Nagsagawa ng controlled delivery ang NBI at inatasan ang poseur delivery rider na ideliver ang package sa isang bus transport at ipinadala ang produkto sa San Fernando, Pampanga.
Pagdating sa lugar, naka poste na ang mga tauhan ng NBI at inaresto ang suspek na nag-pick up sa package. (ARSENIO TAN)
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM