SINIGURO ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo na aatasan niya ang Office of the Court Administrator na ipaalam sa lahat ng lower courts ang ‘PinasLakas’ na kampanya ng Department of Health.
Ito ay bilang pakikiisa ng Korte Suprema para maparami pa ang nagpapabakuna sa bansa.
Ayon kay Gesmundo, hinihimok niya ang lahat, hindi lang ang mga empleyado ng korte na magpabakuna kundi maging ang mga abogado.
Puwede rin magpabakuna sa mga korte ang pamilya ng mga empleyado ng Korte para matiyak na ligtas ang lahat, kontra COVID-19.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA