Para mabuo ang opisyal na line-up ng Gilas Pilipinas, pinadadalo sa isang pulong ang 29 PBA players.
Ito’y sa panawagan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP). Ang mga naturang manlalaro ay candidates sa Gilas. Na lalaro para sa FIBA Asia Cup qualifier third window.
Ang window ay idaraos sa Pebrero sa Angeles City sa Pampanga.
“Objective ng gagawing meeting yung makuha natin ang saloobin nila,” ani PBA Commissioner Wille Marcial.
“Payag ba sila o hindi kung sakaling ikasa ang bubble training,” aniya.
Kaugnay dito, nais din malaman ng SBP ang opinion ng mga cagers.
Anila, pinaghahandaang mabuti ng Gilas ang match-up nito sa South Korea. Na magaganap ng 2 beses sa third window.
Ito ay may petsang Pebrero 18 at 22. Gayundin ang match-up sa Indonesia. Tungkol ditto, hindi inihayag ng SBP ang list ng mga ipinatawag para sa Gilas Pool.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!