January 19, 2025

SBG SA FIBA WORLD CUP: GO GILAS PILIPINAS!

HIGIT sa isang linggo na lang ay didribol na ang pinaka-

dambuhalang ‘basketball show on earth’ – ang 23rd FIBA Basketball World Cup na  idaraos sa Pilipinas.

  Lahat ng basketball- loving Filipinos magmula sa masang baketbolista hanggang sa mga lider ng bansa ay excited nang matunghayang personal, sa tri-media  at social media platforms ang mga batikang manlalaro mula iba’t-ibang kontinente ng mundo na  dadayo dito sa Pilipinas para sa ‘gran copa mundial’ ng FIBA.

   Ang tanyag na basketball enthusiast -player/ public servant na si Senator Bong Go ( SBG) ang isa sa pangunahing taga-suporta ng makasaysayang kaganapang pang- sports sa bansa.

   Kanyang panawagan sa madlang Pinoy na suportahan sa kanilang sariling  pamamaraan ang  pambansang koponang Gilas Pilipinas sa kanilang pagsabak kontra mga higanteng kalaban ngunit  hindi imposible ang umiskor ng panalo kahit aling koponan ang makaka-krus ng kanilang landas partikular din ang makatulong upang maging matagumpay ang hosting ng FIBA World Cup na isang kasaysayang pambihirang mangyari sa isang maliit na bansa tulad ng Pilipinas.

   Optimistiko rin ang 3-point king in his own right at asintadong senador na ang kasalukuyang line-up ng Gilas Pilipinas tampok si Fil-Am cager ,Utah Jazz star shooter Jordan Clarkson na inaasahang gigiya sa respektableng kampanya ng national team pagsambulat ng world cup sa Agosto 25 hanggang  magtatapos sa Setyembre 10 kung saan ang mga venues ay sa Philippine Arena sa Marilao,Bulacan gayundin sa Araneta Coliseum sa QC at MoA Arena sa Pasay.

   Unang makakasagupa ng Gilas Pilipinas ay ang powerhouse Dominican Republic sa Agosto 25 opening sa Phil Arena kasunod na kalaban ang puwedeng taluning Angola kasunod ang higanteng Italy  sa kanilang Group A elims.

   Ang star-studded young NBA selections ng Team USA ay sa ibang grupo kabilang.

   Ngayon pa lang ay pinasasalamatan na ni  Senate Committee on Sports head Senator Go ang lahat ng Pilipinong  makikiisa sa iisang adhikain para sa  basketball nation upang patunayan sa mundo na di man tayo malaking bansa ay dambuhala naman ang puso at determinasyong magtagumpay para sa karangalan ng Pilipinas sa larangang ng bakbakan sa basketball at ang kakayahang makapag-host ng pang- mundong kaganapan sa naturang sport. 

  Ang bansang Indonesia at Japan ay co- host din ng 23rd FIBA Basketball World Cup.