BIGYANG-DAAN ang kauna-unahang liga ng billiards sa mundo na dito sa Pilipinas sasargo.
Pormal na inanunsiyo ni Sharks Billiards Association (SBA) Founder/ CEO G. Hadley Mariano ang pagsambulat ng Sharks Billiards Association (SBA) Professional League kung kaya larga na ang lahat ng sistema para sa nasisigurong tagumpay ng unang play-for-pay pool league sa buong daigdig.
Sinabi ni Hadley, anak ng pamosong kingmaker at icon ng entertainment hubs sa Quezon City na si Perry Mariano, ang cream of the crops ng mga bilyaristang Pilipino ang magtatagisan para sa kanilang corporate na koponan na ipakikilala sa bayang bilyarista kapag buo na ang mga pŕangkisa ng mga koponan na sasabak sa liga.
“Kinonsepto natin ang SBA upang makatulong sa ating magagaling na pool players. Napakarami nilang mahuhusay na kailangan lang madiskubre sa pamamagitan ng ganitong uri ng liga sa billiards. Ito ang layunin ng SBA para sa ating mga batikang bilyarista,” wika ng batang Mariano. “Para din ito sa mga upcoming potential players na magkaroon ng ambisyon na maging champion sa mundo.”
Sa naturang paglulunsad na idinaos sa Sharks Mecca of Pool sa Tomas Morato, Quezon City,opisyal nang ninombrahan ni CEO Hadley ang buwenamanong SBA Commissioner na isang broadcast celebrity.
“ We are also thrilled to announce our first ever SBA Commissioner veteran sports journalist Mr. Ghino Trinidad,” ani Hadley na nagpasalamat sa todo-suporta ng Games and Amusement Board (GAB) sa pamumuno ni Chairman Atty. Richard Clarin.
Ang inaugural na pagsargo ng SBA ay iinog muna sa apat na franchise team kung saan ay 20 best of the best pool players sa bansa ang magtatagisan sa torneong naka-broadcast at livestreamed sa buong mundo.
“I am deeply grateful for the trust and confidence placed in me to lead this esteemed organization and I am fully committed to serving our beloved sport with unwavering dedication and passion,” sambit ni Comm. Trinidad sa kanyang acceptance speech. “We have an ambitious vision to transform the landscape of billiards, to introduce innovative formats and to create unparalleled experiences for our fans. From electrifying matches to thrilling tournaments. There’s no shortage of excitement that fans can expect from the SBA.” (DANNY SIMON)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA