SAVERS INDUSTRIAL AND BUILDING SOLUTIONS INILUNSAD. Ikinagalak nina CDC President and CEO Manuel R. Gaerlan (ikatlo mula sa kaliwa) at CDC Chairman Pamintuan (ikalawa mula sa kaliwa) ang paglulunsad ng Savers Industrial and Building Corporation sa Clark Freeport Zone. Malugod naman silang tinanggap ni Savers Group Holdings Founder and Chairman Jaime “Jack” Uy (pinakakanan) sa naturang event. (CDC-CD Photo)
CLARK FREEPORT – Malugod na tinanggap ng Clark Development Corporation (CDC) ang bagong investment sa Freeport na ito noong Lunes, Hunyo 14, nang buksan ang Savers Industrial and Building Solutions’ (SIBS) biggest showroom sa Clark.
Pinapurihan nina CDC President and CEO Manuel R. Gaerlan at CDC Chairman Edgardo Pamintuan ang naturang event at kasama ring nanguna sa ribbon cutting ceremony si Savers Group Holdings Founder and Chairman Jaime “Jack” Uy para sa paglulunsad ng nasabing pasilidad.
Dumalo rin sa nasabing event ang mga top official mula sa iba’t ibang brand partners ng SBIS. Kabilang dito sina Daikin Air Conditioner Philippines Vice President Chris Wong, Haier Philippines President Xuhong Yan, Tosot Philippines Executive Vice President and Chief Operating Officer Tomas Balete, Samsung Electronics Philippines President James Jung, Concepcion Industries Corp. Naroroon dina sina President and CEO Raul Joseph Concepcion, Panasonic President and CEO Masaru Toyota, LG Vice President Young Park, Sandem Cold Chain System Philippines Inc. President Osamu Ikeda, Concepcion Midea General Manager Philip Trapaga, and LG Vice President Peter Hong. SIBS Corporate Secretary Justine Uy, Deputy General Manager of Savers Electronic World Jansen Ivan Uy, at Robinsons Retail Holdings Inc. (RRHI) Vice President Mark Tansiongkun.
Tampok sa bagong showroom na matatagpuan sa Berthapil – Clark Centers ang 16 iba’t ibang kilalang brand; LG, Carrier, Samsung, Daikin, Toshiba, Midea, Haier, Tosot, Kolin, Panasonic, Sanden, Koppel, Volkslift, Hammer HVAC System, Nihon Spindle, and Totaline. Bukod pa rito, nag-aalok din ang pasilidad ng mga produkjto at serbisyo tulad ng Heating Ventilation and Air Conditioning (HVAC) products and solutions, CCTV at Security Systems, Fire Detections and Alarm System, Digital Signage Solutions, Home Automation, at Elevators and Escalators at iba pa.
Dating kilalang Savers Air-conditioning, ang SIBS ay mayroon ng 25 na taon na karanasan sa building solutions at nagbibigay ng iba’t ibang serbisyo na may propesyonalismo at kakayahan.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA