LAS VEGAS — Nagtala ng history si Saul Alvarez matapos idispatsa si Caleb Plant sa round 11 sa kanilang super middle middleweight title bout. Dahil sa panalo, nahablot lahat ni Alvarez ang 4 major belts sa nasabing dibisyon.
Kaya naman, nakahilera na si Alvarez sa ‘Major 4 Club’ na nakasapak ng 4 title belts sa boxing history. Lima lamang sa mga boxers ang nakakuha nito at panibago si Canelo.
Sila ay sina Oleksandr Usyk (cruiserweight), Bernard Hopkins (middleweight), Jermain Taylor (middleweight), Terence Crawford (super-lightweight) at Josh Taylor (super-lightweight).
Nahablot ng 31-anyos na Mexican pug ang IBF belt. Na ito ay karagdagan sa tangan niyang WBA, WBC at WBO straps.
Nakuha nya ang WBA at WBC belt kay Callum Smith noong December 2020. Natigpas naman nya ang WBO belt ang talunin si Billy Joe Sanders noong June 2021.
Pinabagsak ni Alvarez si Plant ng dalawang beses sa 11th round. Una ay sa pamamagitan ng let hook. Ang ikalawa ay sa pagbigwas niya ng uppercut.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!