
Nadiskubre sa isang ginagawang subdibisyon sa Brgy. Alalum, San Pascual Batangas ngayon umaga ng Martes (April 8, 2025) ang nawawalang sasakyan na Mitsubishi Montero na may plakang DBQ1667 na pagmamay ari ng natagpuang bangkay ng lalaki sa lungsod ng Tagaytay sa Cavite noong umaga ng Lunes na may tama ng bala sa ulo.
Base sa inisyal na report ng San Pascual Municipal Police Station, isang tawag ang kanilang natanggap galing sa isang Barangay official para ireport ang inabandonang sasakyan sa kanilang lugar na agad naman pinuntahan ng mga otoridad at duon nalaman na ang SUV ay pagmamay-ari ng biktimang si Dexter Roales, 44 anyos residente ng Barangay San Isidro, Mulanay Quezon na naireport na nawawala noong araw ng Linggo (April 6, 2025) at natagpuang bangkay sa gilid ng kalsada ng Barangay Patutong Malaki North ng Tagaytay-Mendez Road kasama ang hindi parin natatagpuan na si Ruel Roca at isa pang hindi pinangalanan na biktima na nasa kustodiya na ngayon ng pulisya.
Ayon sa salaysay ng nakaligtas na biktima umalis umano silang tatlo nuon linggo ng gabi sa Mulanay lulan ng SUV ni Roales, para maghatid ng mga pasahero sa lugar ng Batangas, Laguna at Cavite, subalit pagsapit ng Tagaytay City ay sumakay umano ang ilang mga kalalakihan at pinababa sina Roales at Roca, ang sumunod ay nakarinig umano siya ng sunod sunod na putok ng baril saka tinangay ang nasabing SUV at pagsapit ng Lipa City, Batangas ay iniwan sa isang mall ang nakaligtas na biktima na agad nagreport sa pulisya.
Nagpapatuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa tunay na motibo ng mga hindi pa kilalang mga salarin sa nangyaring krimen. (KOI HIPOLITO)
More Stories
Tolentino: 60 kph speed limit mahigpit na ipatupad
IMEE MAY BUWELTA KAY CHIZ: SIYA ANG AMBISYOSO
MGA MATATAAS NA OPISYAL NG PNP SA BARMM, PINASISIBAK!