TINATAWAGAN ang atensiyon ng lokal na pamahalaan ng Taytay, Rizal dahil sa post ng Taytay Updates sa Facebook page kung saan makikita ang Taytay MDRRMO Emergency Response vehicle (may pulang plaka) na ginamit sa paglalakwatsa nitong kamakailan lang. Umani ng negatibong reaksyon ang naturang post mula sa mga netizen at nanawagan na disiplinahin ang driver.
“TAYTAY MDRRMO EMERGENCY RESPONSE VEHICLE (RED PLATE) SA QUEZON PROVINCE GAMIT SA OUTING NG MGA TAGA TAYTAY MDRRMO EMPLOYEES!” ayon sa Taytay Updates.
“Tanong lang po namin? EMERGENCY VACATION GET-AWAY nyo po ba ito? SANA ALL PO!,” dagdag pa nito.
Sa naturang ding larawan, makikita ang conversation na tila pinagalitan ang mga empleyado ng MDRRMO dahil sa ginawa nilang paggamit ng naturang sasakyan.
“Mula ngayon, wala na gagamit ng sasakyan ng MDRRMO sa mga lakad na hindi opisyal.”
“Please delete pics na kita ‘yung sasakyan na operations… ‘Di n’yo ba naisip ‘yan”
“May issue pa tayo sa AMBU na fake lisensiya! Next makikita gamit na sasakyan ng gobyerno sa outing!!!”
“@Emmanuel Cruz lahat ng susi ng operations at logistics bigay n’yo sa akin sa opisina bukas…”
Negatibo naman ang naging reaksyon ng netizens sa social media dahil sa pagkakaalam nila ang sasakyan ng MDRRMO ay para sa emergency lamang lalo pa’t pera ng taumbayan ang ipinambili rito.
“Pa-outing-outing lang gamit ang government resources… nahawa sa mentalidad ng butanding (butangerong bading)”
“Ganyan kapag ang sistema binuo sa nepotismo.”
“Kakapal nyo,,pag outing walang dahilan na Hindi pwd. Pero pag sa tlgang kailangan Yan sasakyan ,,madami dahilan ..Hindi pwd magamit..kakapal nyo.” “BAWAL YN GNYAN DPT IBISTIGAHAN YN NG MATANGGAL SA PWESTO ABUSO”
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY