NAKAPAG-ADVANCE taping na pala sina Kiko Estrada at Sarah Lahbati, para sa kanilang drama/action series na ‘Lumuhod Ka Sa Lupa.’
“May mga eksenang torrid kissing scene sina Sarah at Kiko, dahil pareho na silang single kaya bigay na bigay na sila sa eksena.
“Wala naman na daw silang inaalala, kung may bed scene o torrid kissing scene dahil wala namang magseselos sa kanilang dalawa.
“Kasama sa cast ng ‘Lumuhod Ka Sa Lupa’ sina Kiko Estrada, Sarah Lahbati, Rhen Escaño, Andrew Mulach, Andre Yllana, Phoebe Walker, Ashley Diaz, Joko Diaz, Rose Van Ginkel at Jeffrey Hidalgo sa direction ni Albert Langitan.
“Mapapanood ang ‘Lumuhod Ka Sa Lupa,’ tuwing lunes sa ganap na 2:30 ng hapon sa TV 5,” pagtatapos pa ni Miss. Bubuwit na aking source.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA