December 26, 2024

SARA ‘TOP PICK’ FOR PRESIDENT, RAFFY TULFO SA SENADO

Kung ngayong gagawin ang eleksyon nangunguna pa rin si Davao City Mayor Sara Duterte sa nangungunang choice para sa pagka-presidente sa 2022 elections, ayon sa Pulse Asia.



Habang napipisil naman ng taumbayan na tumakbo bilang senador ang broadcaster na si Raffy Tulfo.

Sa isinagawang survey noong Pebrero hanggang Marso 3, ang nakatatandang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ‘manok’ ng bawat respondents (27%) mula sa 2,400 respondents sa pagkapangulo. Sa senatorial race, pasok siya sa ikatlong puwesto habang pang pitong puwesto si Tulfo, na siyang host ng kilalang TV at online shot na pasok sa panlasa ng masa.

Isa si dalawang kilalang personalidad na manalo bilang senador base sa isinagawang survey. Kabilang kasi sa pasok sa panlasa ng taumabayan si “Wowowin” host Willie Revilame na kasama sa pang-9 hanggang pang 11 na puwesto na sinundan nina Kiko Pangilinan at Sherwin Gatchalian, dating senador Jinggoy Estrada at dating Vice President Jejomar Binay.

Sa pagkapangulo naman sumunod kay Sara Duterte si senator Bongbong Marcos na may (13%), Sen. Grace Poe (12%), Manila Mayor Isko Moreno (12%) at Sen. Manny Pacquiao (10%). Vice President Leni Robredo na may 7% at  Sen. Bong Go na may 5%.

Sa pagka-vice president, nangunguna si Moreno na may 16% na halos kadikit ng nagkakagitgitnan na sina  Pacquiao (15%) at Sara Duterte (15%). Kapwa nakakuha ng 11% sina Marcos at Senate President Tito Sotto.